top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Salvage victim, natagpuan

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Ika-16 ng Pebrero, 2024


RIZAL -- Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki na biktima umano ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa matalahib na lugar sa Brgy. Silangan, San Mateo sa lalawigang ito.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima. 


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay na may balot na kumot ang katawan at may nakapiring na tape sa mga mata.


Inaalam pa ng mga otoridad ang armas na ginamit sa pagpatay sa biktima. 


Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo sa naganap na krimen.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page