Salvage victim, natagpuan
@Balitang Probinsiya | July 19, 2023
BATAAN -- Isang bangkay ng lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa gilid ng kalsada sa Balanga City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Walter Santos, nasa hustong gulang at residente ng Bgy. Cupang, sa nasabing lungsod.
Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa nakita nilang bangkay na nakagapos ang mga kamay at paa, at may mga tama ng bala at saksak sa katawan.
Ayon sa ulat, ilang kamag-anak ni Santos ang kumilala sa kanyang bangkay, na ayon sa kanila ay ilang araw nang nawawala.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang motibo sa naganap na krimen.



Comments