Salvage victim natagpuan
@Balitang Probinsiya | May 31, 2023
BATANGAS—Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa gilid ng kalsada sa Bgy. Ticub, Laurel sa lalawigang ito.
Walang natagpuang anumang identification card o ID sa biktima, at ito ay tinatayang nasa 30-anyos pataas ang edad.
Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima na nakasilid sa isang garbage bag at nababalutan ng masking tape ang ulo, mukha hanggang leeg.
May hinala ang mga awtoridad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa nasabing barangay ang bangkay nito upang iligaw sa imbestigasyon ang pulisya.
Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang armas na ginamit sa pagpatay at ang motibo sa naganap na krimen.



Comments