top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Salvage victim, natagpuan

Writer: BULGAR
BULGAR
May 29, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 29, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa gilid ng kalsada sa Bgy. Camindangan, Sipalay City sa lalawigang ito.


Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima sa nabanggit na barangay.


May hinala ang mga awtoridad na sa naturang lugar pinatay ang biktima dahil nakarinig ng mga putok ng baril ang mga residente sa kinatagpuan ng bangkay ng lalaki.


Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente ng salvage sa nasabing lugar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page