top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Salvage victim natagpuan

BULGAR
Dec 3, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 3, 2022


AKLAN—Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa gilid ng kalsada sa Bgy, Albasan, Numancia.


Ang biktima ay tinatayang nasa pagitan ng edad 40 hanggang 45 ang edad at may sling bag na itim sa baywang.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima na nakabalot sa pink na tela sa nabanggit na lugar.


May hinala ang mga awtoridad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa nasabing barangay ang bangkay nito upang iligaw sa imbestigasyon ang pulisya.


Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang armas na ginamit sa pagpatay at ang motibo sa naganap na krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page