top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Salpukan ng 2 motor, 1 patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 18, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 18, 2023


ILOILO -- Isang rider ang namatay at isa pa ang sugatan nang magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Sto. Tomas, Passi City sa lalawigang ito.


Ang nasawing biktima ay si Rio Pacino, 39, samantalang ang sugatan ay Eljohn Postremo, 19, kapwa nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, kapwa umano mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho nina Pacino at Postremo kaya nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa nasabing barangay.


Napag-alaman na nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang mga biktima at nang dalhin sila ng mga saksi sa ospital ay idineklarang dead-on-arrival si Pacino.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung sino ang may pananagutan sa naganap na aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page