Salesman, tinepok ng armado
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 20, 2024
ILOILO -- Isang 30-anyos na salesman ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Brgy. Villa Anita, City Proper District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Raniel Lazaro, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa tindahan si Lazaro sa nasabing lugar ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na si Lazaro.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments