Sales agent, tinodas ng kaalitan
- BULGAR
- Sep 4, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 4, 2023
QUEZON -- Isang sales agent ang namatay nang pagbabarilin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Gapas, Guinayangan sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Federico Tarusan, samantalang ang suspek ay si Alexander Fonatilla, kapwa nasa hustong gulang at pawang nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, habang papasakay si Tarusan sa kanyang motorsiklo ay sumulpot ang suspek at biglang pinagbabaril ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Mabilis namang nadakip ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong murder, illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments