ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 25, 2024
Photo: Ivana Alawi- Instagram
Muling isinugod si Ivana Alawi sa ospital.
Base sa kanyang online post, hindi pa raw nakaka-recover ang kanyang katawan mula sa hindi naman sinabing sakit.
Makikita sa photo na may dextrose na nakakabit sa kamay ng aktres habang nasa hospital bed.
Aniya, “Had to be rushed back to the hospital since my body didn’t recover well.”
Nag-aalala naman ang kanyang mga followers kaya ipinagdasal ng mga ito ang mabilis niyang paggaling.
NAGPAHIWATIG umano ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang social media account na magbabalik-showbiz na siya ngayong 2024.
Ang dami namang komentong naglabasan sa possible umanong pagbabalik ni Kris.
Sey ng mga netizens:
“I’m so excited for you to be back on the big screen. Sana sa ABS-CBN na lang. Praying for you, Ms. Kris.”
“Ay, wow! Ito ‘yung kasama sa idinadasal ko, muli s’yang makabalik sa TV. Excited na kami.”
“There’s only one Kris QUEEN OF ALL MEDIA.”
May kasamang pag-aalala naman ang komentong ito ng isang fan, “Masaya kaming lahat ng mga fans mo, Kris. Sana lang, hinay-hinay lang, kailangan mo pa ring magpalakas nang husto. ‘Yun ang importante, ang lubusan mong kalakasan.”
“WOW, PARANG NABUHAYAN AKO NG DUGO. THANK YOU, LORD.”
“Sana, please! Abang na abang na kami.”
PUMIRMA ng bagong kontrata si Donny Pangilinan sa ABS-CBN.
During the ceremony, the actor expressed his gratitude to ABS-CBN bosses who believed in his talent as an artist.
“I’m just super happy to be here in ABS-CBN,” ani Donny.
“You just saw a glimpse of what we are doing for ilang years, eight years na ba? Time flies so fast. But I know that there’s so much more in store and I’m here with you guys and I am very, very much ready to overcome what we need to overcome.
“I am very blessed also that I am with bosses who I can consider family and who I can consider people who really listen to you, and who really collaborate with you and they will figure out what they can do just to have the best come out even for the audience and everyone who’s watching. So thank you, thank you so much for that,” esplika pa ng anak ni Maricel Laxa.
Pinasalamatan din ng aktor ang pamilya at ang ka-love team na si Belle Mariano.
Aniya, “Thank you rin sa pamilya ko, and siyempre, kay Belle (Mariano) kasi malaking part rin s’ya sa journey ko. And I am just very happy na we get to do more things together.”
Sa November 25 ay ipapalabas na ang kanilang pangalawang teleserye after ng Can’t Buy Me Love (CMBL), ang How To Spot A Red Flag (HTSARF) na mapapanood sa digital streaming platform na Viu.
ISANG babae ang naglakas-loob na banggain ang mga malalaking personalidad sa Maynila para tumakbong alkalde sa 2025.
Ayon kay Mahra Tamondong, hindi siya natatakot sumagupa sa mga higanteng sina incumbent Mayor Honey Lacuna, Isko Moreno, Sam Verzosa at Raymond Bagatsing.
Naniniwala siyang ang malasakit niya sa mga senior citizens ang magbibigay sa kanya ng tagumpay.
Naikuwento ng aspiring mayor na mas kilala bilang Super Mahra na muntik na rin niyang pasukin ang showbiz.
Katunayan ay nag-audition siya sa teleserye noon ni Judy Ann Santos sa Mara Clara.
Naudlot nga lang daw dahil hindi siya pinayagan ng mga magulang. Ang ibig ng mga ito ay mag-concentrate siya sa pag-aaral.
Pero naging magkaibigan umano sila ni Juday at kaedad din niya ang Teleserye Queen.
Wait na lang natin kung isa si Juday sa mga susuporta sa kanyang pagtakbo sa Maynila.
Comments