Sabungero tinodas sa karinderya
@Balitang Probinsiya | November 28, 2022
BATANGAS—Patay ang isang sabungero ang nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa habang kumakain sa karinderya sa Bgy. Darasa, Tanauan City.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Alejandro Tanedo, 40-anyos at nakatira sa Bgy. Boot sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, galing sa sabungan si Tanedo at nagtungo sa kariderya para kumain, at dito ay sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Tanedo.



Comments