Sabungero, arestado sa tupada

@Balitang Probinsiya | December 26, 2020
AKLAN—Isang sabungero ang nadakip sa isinagawang pagsalakay ng pulisya sa tupadahan sa Bgy. San Jose, Ibajay.
Nakilala ang suspek na si Florante Batoy, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya na may mga nagtutupada sa nasabing barangay, pero nakatakas ang ibang suspek at si Batoy lang ang nadakip.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa lugar ng tupadahan.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa suspek.



Comments