top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sa mga nagtatanong sa relasyon nila ni Julia… HIRIT NI GERALD: PAKIALAMAN N'YO ANG BUHAY N'YO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2020
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 14, 2020




Tumangging pag-usapan ni Gerald Anderson si Julia Barretto sa nakaraang virtual mediacon ng special digital film na Love Unlock na mapapanood nang eksklusibo sa Kapamilya Online Live ngayong Sabado (Agosto 15), 7:30 PM.


Natanong ang aktor kung ano talaga ang relasyon nila ngayon ng aktres, baka kasi gusto niyang i-unlock ito para mabigyan na ng kasagutan ang tanong ng lahat.


"Ang ganda ng segue, ha? Siguro, unang-una, ayoko na ring pag-usapan ang isang taong wala naman din dito.


"Walang koneksiyon sa ginagawa natin ngayon. Respeto na rin po siguro sa kanila. Labas po tayo d'yan,” nakangiting sagot ng binata.


Kaya hindi maiwasang pagdudahan na may relasyon sina Gerald at Julia dahil madali namang sagutin ng oo kung sila nga at hindi kung wala talaga.


Pero sa tinuran ng aktor sa mediacon ay wala siyang malinaw na sagot kundi umiwas lang siyang pag-usapan ito.


Ikinatwiran pa ni Ge (tawag sa aktor) na gusto niya ng tahimik na buhay.


Aniya, "Ganu'n po talaga 'yung character ko. I mind my own business. At ipapayo ko rin 'yan sa ibang tao.”


Mahigit isang taon na ang nakaraan nang matsismis sina Gerald at Julia nang sabay silang umalis sa birthday party ni Rayver Cruz na ginanap sa The Fort noong Hulyo 23, 2019.


Nauna naman ang balitang naghiwalay na rin noon sina Julia at Joshua Garcia, samantalang wala na ring komunikasyon noon si Gerald at ang ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo na ayon sa huli ay bigla siyang hindi kinausap ng dating karelasyon.


Going back to Love Unlock ay si Arci Muñoz ang partner ni Gerald sa Hook-Up episode mula sa direksiyon ni Dado Lumibao mula sa panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos handog ng RCD Narratives at maaaring sundan sa Facebook page (fb.com/rcdnarratives), Twitter (@RCDNarratives), at Instagram (@RCDNarratives).


Base sa trailer ng Hook-Up ay may sexy scene sina Gerald at Arci na ito ‘yung ikinuwento ng dalawa na nahirapan silang gawin kasi nga, nag-shoot sila thru zoom at mag-isa lang sila sa kani-kanilang kuwarto na paulit-ulit na sabi ng aktor, “Ang lakas ng sex appeal ni Arci, ‘yung mga reaksiyon ko ru’n, medyo true-to-life story.’’

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page