top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sa anomalya at katiwalian sa PhilHealth… Isasantabi muna ang mga personal na hidwaan — Bong Go

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 25, 2020
  • 1 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 25, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Matapos mabulgar ang diumano’y anomalya at katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na dahilan ng pagbibitiw sa puwesto ng ilang opisyal, nagkaroon ng pagpupulong ang mga opisyal hinggil dito na pinamunuan ni Senator Bong Go.


Ayon kay Sen. Bong Go, “Natapos ang meeting with an agreement na sa panahon ngayon ay isasantabi muna ang mga personal na hidwaan upang mabigyang importansiya ang kapakanan, interes at buhay ng mga Pilipino.


“Uunahin muna ngayon kung paano masigurong maiimplementa ang Universal Healthcare (UHC) Law, mapopondohan ang mga programang pangkalusugan, at mapagseserbisyuhan ang mga nangangailangan sa panahon ng pandemya.”


Aniya pa, “Kaya kami nakipagpulong kasama ang mga government finance managers upang matugunan ang mga hinaharap na suliranin ng PhilHealth para maimplementa ng maayos ang UHC law lalo na’t may krisis tayong hinaharap.


“Isa rin sa napag-usapan sa meeting ay ang mga problema sa PhilHealth management at ang mga akusasyon ng korapsyon na nangyayari […] Naging mainit ang usapan, nagkahamunan pa ng resignation, pero civil at productive pa rin naman ang diskusyon.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page