top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Rider, utas sa bus

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 5, 2023


QUEZON -- Isang rider ang namatay nang mabangga ng isang pampasaherong bus ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Isabang, Tayabas City sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Henry Calabano, nasa hustong gulang at nakatira sa Pasig City.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Joel Orteniro, nasa hustong gulang, sa pagmamaneho ng bus kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ni Calabano.


Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.


Nakapiit na ngayon si Orteniro na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page