Rider, todas sa trak
- BULGAR
- Aug 16, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 16, 2023
BATANGAS -- Isang rider ang namatay nang masagasaan ng isang trak kamakalawa sa national highway ng bayan ng Rosario sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Vener Bool, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol si Bool sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya natumba at aksidente itong nasagasaan ng sinusundang trak.
Napag-alaman na namatay sa mismong pinangyarihan ng insidente ang biktima.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban sa hindi pinangalanang driver ng trak.



Comments