Rider, todas sa SUV
@Balitang Probinsiya | July 17, 2023
CAMARINES SUR -- Isang rider ang namatay nang mabangga ng isang SUV ang kinalululanan niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Del Rosario, Naga City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Ariel Baudin, 29, nakatira sa bayan ng Bula sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng SUV na minamaneho ng hindi pinangalanang driver, kaya nabangga nito ang motorsiklong sakay ang biktima.
Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nangako naman ang driver ng SUV na sasagutin ang gastos at danyos sa pagkamatay ng biktima.



Comments