top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Rider todas sa SUV

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 7, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 07, 2023



QUEZON -- Isang rider ang namatay nang mabangga ng SUV (sports utility vehicle) ang kinalululanan niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Pahinga, Candelaria sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Zosimo Dela Cruz, 57, residente ng Bgy. Piisa, Tiaong sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng SUV na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival, samantalang pinaghahanap na ng pulisya ang tumakas na driver ng SUV.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page