top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Rider, todas sa rumaragasang jeep

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 2, 2021



QUEZON—Patay ang isang rider nang mabangga ng rumaragasang jeep ang kinalululanan nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Bukal Sur, Candelaria.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Christian Ayaso, residente ng Bgy. Lagalag, Tiaong sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Ayaso nang aksidenteng mabangga ito ng jeep na minamaneho ni Edwin Gavino.


Napag-alamang dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima at nabagok ang ulo sa kalsada na agad nitong ikinamatay.


Kusa namang sumuko sa pulisya si Gavino na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page