top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Rider, todas sa poste ng ilaw

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 27, 2023

NUEVA VIZCAYA -- Isang rider ang namatay nang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa poste ng ilaw kamakalawa sa Brgy. Osmeña, Solano sa lalawigang ito.


Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktimang rider.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang biktima sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya bumangga ito sa poste ng ilaw.


Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang rider.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page