Rider, todas sa pader

Updated: Jan 9, 2021
@Balitang Probinsiya | January 3, 2021
LA UNION—Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga sa pader ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Sta. Cruz, Bacnotan.
Kinilala ang biktima na si Franklin Cotillion, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Cotillon kaya bumangga ang motorsiklo nito sa pader.
Nabatid na dahil sa lakas ng pagkakabangga sa pader ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments