top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Rider, todas sa national highway

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 24, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 24, 2021


LA UNION—Isang 31-anyos na rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng van ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa national highway ng lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si George Aragon, 25-anyos, nakatira sa nasabing bayan, samantalang kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang hindi pinangalang driver ng van.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng van kaya aksidenteng nabangga ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.


Dahil sa tinamong mga sugat sa ulo at katawan ay agad namatay sa pinangyarihan ng aksidente ang biktima.


Nahaharap ang driver ng van sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page