top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Rider, todas sa nakaparadang trak

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 23, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 23, 2024


BATANGAS -- Isang rider ang namatay nang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa isang nakaparadang trak sa Brgy. Dalig, Batangas City sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Rodolfo Bacay, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Bacay kaya bumangga ang motorsiklong kinalululanan nito sa nakaparadang trak.


Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival sa pagamutan, samantalang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa driver na nagparada ng trak sa gilid ng kalsada.


 an ng ama ng biktima ang ahas na tumuklaw sa kanyang anak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page