top of page
Search
  • BULGAR

Rider, todas sa concrete barrier

@Balitang Probinsiya | December 6, 2023

CAVITE -- Isang rider ang namatay nang bumangga ang kinalululanan niyang motorsiklo sa concrete barrier kamakalawa sa Brgy. Mangas 2, Alfonso sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala lang ng pulisya sa alyas na “John”, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si John sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya bumangga ito sa concrete barrier.


Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala pa ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page