Rider todas sa concrete barrier
@Balitang Probinsiya | Pebrero 13, 2023
PALAWAN—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang motorsiklo sa concrete barrier kamakalawa sa Bgy. Tabon, Quezon sa lalawigang ito.
Ang nasawi ay kinilalang si Javier Balahim, samantalang ang sugatan ay si Jepar Manlidap, kapwa nasa hustong gulang, at mga residente ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Balahim sa pagmamaneho ng motorsiklo habang angkas si Manlidap kaya bumangga sila sa concrete barrier.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.
Dinala pa ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Balahim.



Comments