Rider todas sa bus
@Balitang Probinsiya | December 15, 2022
QUEZON—Patay ang rider nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa likurang bahagi ng isang pampasaherong bus kamakalawa sa Bgy. Gulang-Gulang, Lucena City.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Angelo Parayday, 21-anyos at nakatira sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, bigla umanong huminto ang bus na minamaneho ni Wencelito Delfino, kaya bumangga sa likurang bahagi nito ang motorsiklong minamanaho ng biktima.
Nabatid na dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na aksidente.



Comments