top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Rider, todas sa bangga ng kotse

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 6, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 06, 2021


NEGROS OCCIDENTAL--Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng kotse ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa national highway ng Don Salvador Benedicto.


Kinilala ang biktima na si Andy Caranay, nasa hustong gulang at residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng kotseng minamaneho ng hindi pinangalanang driver kaya nabangga ang motorsiklo ng biktima.


Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima at una ulo itong bumagsak sa sementadong kalsada na agad nitong ikinamatay.


Kusang sumuko naman sa mga awtoridad ang driver ng kotse na residente rin sa naturang bayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page