Rider todas sa ambush
- BULGAR
- Mar 5, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 5, 2023
MASBATE—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito sa pang-a-ambush na ginawa ng mga hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. Nabongsoran, Aroroy sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Noli Yamson, samantalang ang sugatan ay si Mark Francisco, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, habang lulan ng isang motorsiklo sina Yamson at Francisco ay sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan si Yamson.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga salarin.



Comments