top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Rider todas, angkas sugatan sa poste

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 3, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 3, 2023


ILOILO -- Isang rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito nang bumangga ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa poste ng kuryente sa national highway ng bayan ng Miagao sa lalawigang ito.


Ang nasawi ay kinilala ng pulisya na si Cesar Castillon, 43, samantalang sugatan ang angkas nito na si Romnick Evan, 27, kapwa residente sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Castillon habang kaangkas si Evan kaya bumangga ang motorsiklong kinalululanan nila sa poste ng kuryente.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Castillon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page