top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Rider todas, angkas sugatan sa poste

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 17, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang rider ang namatay at sugatan naman ang kaibigan nito nang bumangga ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa poste ng kuryente sa Bgy. Pahanocoy, Bacolod City sa lalawigang ito.


Ang nasawing biktima ay kinilala ng pulisya na si Michael Lobaton, 31, samantalang ang sugatan ay si Jorell Olanday, 30, kapwa nakatira sa Bgy. Sum-ag sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Lobaton habang kaangkas si Olanday kaya bumangga ang motorsiklong kinalululanan nila sa poste.


Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Lobaton.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page