Rider todas, angkas sugatan sa aksidente

@Balitang Probinsiya | January 9, 2021
QUEZON—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito nang aksidenteng mabangga ng mini-truck ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Santol, Mauban.
Ang nasawi ay kinilala ng pulisya na si Melvin Daton, samantalang ang sugatan ay ang angkas nito na nagngangalang “Mark”.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng mini-truck na minamaneho ni Isabelo Cojon kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Daton.
Sinampahan na ng pulisya si Cojon ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to property.



Comments