top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Rider, tinodas ng bayaw

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 24, 2021



CAMARINES SUR—Isang rider ang namatay nang saksakin ng kanyang bayaw kamakalawa sa Bgy. Sooc, Lupi.


Kinilala ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Virgilio Barremeda, samantalang ang suspek ay si Ricardo Borras, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang magbayaw na humantong para pagsasaksakin ng suspek ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi sa ospital si Barremeda pero idineklara itong dead-on-arrival.


Naaresto naman ng mga nagrespondeng pulisya si Borras na nahaharap sa kasong murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page