top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Rider, tinodas ng backrider

BULGAR
Dec 5, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 5, 2022


NEGROS OCCIDENTAL—Isang rider ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong backrider kamakalawa sa Bgy. Minapasok, Calatrava.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Ely Marcellana, 45-anyos, residente ng nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Marcellana ang kanyang motorsiklo at kaangkas ang suspek ay sa hindi malamang dahilan ay pinagbabaril ng backrider ang biktima.


Mabilis na tumakas ang suspek na tangay ang motorsiklo ni Marcellana nang matiyak na patay na ang biktima.


May hinala ang mga awtoridad na kakilala ni Marcellana ang salarin dahil angas niya ito sa kanyang motorsiklo bago naganap ang pamamaril ng suspek sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page