Rider, tinodas ng armado

@Balitang Probinsiya | January 16, 2021
MAGUINDANAO—Isang rider ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Kakar, Datu Odin Sinsuat.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Buagas Meto, residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang lulan ng kanyang motorsiklo si Meto ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.
Kaugnay nito, nagpalabas na rin ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang salarin.



Comments