top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Rider, tinepok ng armado

Writer: BULGAR
BULGAR
May 19, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 18, 2023


RIZAL—Isang rider ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa sa Bgy. San Jose, Antipolo City sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Pepito Timbang, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang lungsod.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Timbang ang kanyang motorsiklo ay sumulpot ang salarin at agad na binaril ang biktima at tinamaan sa katawan


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang kay Timbang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page