Rider, timbog sa boga sa checkpoint

@Balitang Probinsiya | December 12, 2020
AKLAN—Isang rider ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng baril kamakalawa sa police checkpoint sa Roxas Avenue, Kalibo.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Rod dela Cruz, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, napadaan si Dela Cruz sa police checkpoint at nang pabuksan ang u-box ng kanyang motorsiklo ay dito natagpuan ang .45 pistola at mga bala.
Nang hanapan ng mga pulis ng mga kaukulang dokumento ang dalang baril ni Dela Cruz ay wala itong maipakita kaya agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions



Comments