top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Rider, tiklo sa shabu sa checkpoint

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 24, 2023


BATAAN -- Isang rider ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Mulawin, Orani sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Barry Medina, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lalawigan.


Nabatid na napadaan sa police checkpoint ang motorsiklong minamaneho ni Medina at nang kapkapan ito ng mga awtoridad ay nakumpiskahan ang suspek ng 50 gramo ng hinihinalang shabu.


Kusang sumama naman sa mga awtoridad ang suspek nang dakpin siya ng mga ito.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page