Rider, tepok sa tumawid na aso
@Balitang Probinsiya | April 25, 2023
PALAWAN—Isang rider ang namatay nang aksidenteng sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo dahil sa isang aso na tumawid sa kalsada, kamakalawa sa Bgy. San Isidro, San Vicente sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Manny Pablico, 49, at residente sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, bigla umanong tumawid sa kalsada ang isang aso kaya iniwasan ito ni Pablico na naging dahilan kaya sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo.
Nabatid na nagkaroon ng sugat sa ulo, kamay at katawan ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi si Pablico sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments