top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Rider tepok sa trak

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 4, 2023


AKLAN – Isang rider ang namatay nang mabangga ng trak ang minamaneho nitong motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Linabuan Norte, Kalibo sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktima na si Armil Quilap, 35, samantalang ang driver naman ng trak ay si Jason Jutar, 28, kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak kaya nabangga nito ang motor.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala ng mga saksi si Quilap sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nakapiit na ngayon si Jutar na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page