Rider, tepok sa poste
@Balitang Probinsiya | December 13, 2021
PANGASINAN--Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga sa poste ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Gueset, Dagupan City.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang rider sa pagmamaneho ng kanyang motorsiklo kaya bumangga ito sa poste
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga sa puno ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments