Rider tepok sa driver na lolo
@Balitang Probinsiya | Pebrero 2, 2023
AKLAN – Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong jeep na minamaneho ng isang driver na lolo sa national highway ng Nabas sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Melchor Gaira, 40-anyos, samantalang ang driver ng jeep ay si Jose Marcelino, 67, kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng jeep na minamaneho ni Marcelino at nabangga nito ang sinusundang motorsiklong kinalululanan ni Gaira.
Napag-alaman na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Sinampahan na ng pulisya si Marcelino ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments