Rider sumalpok sa van, dedbol
@Balitang Probinsiya | May 28, 2021
CAMARINES SUR—Isang rider ang namatay nang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa van kamakalawa sa national highway ng Pili.
Kinilala ang biktima na si Alvin Lopez, nasa hustong edad at residente ng naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, nag-overtake umano si Lopez sa sinusundang trak kaya aksidenteng bumangga ang motorsiklo nito sa van na minamaneho ng hindi pinangalanang driver.
Nabatid na nagtamo ng malaking pinsala sa mukha at katawan ang mga biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments