top of page
Search
  • BULGAR

Rider, sumalpok sa ambulansya, dedo

@Balitang Probinsiya | September 20, 2023


BATAAN -- Isang rider ang namatay nang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa kasalubong na ambulansya kamakalawa sa Bgy. Sabang. Morong sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Raymond Banez, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Banez sa kanyang motorsiklo kaya bumangga ito sa ambulansya na minamaneho ng hindi pinangalanang driver.


Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.


Bagama’t ang rider ang sumalpok sa ambulansya, nangako pa rin ang ambulance driver na tutulong sa gastos at danyos sa pagkamatay ng biktima.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page