@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 21, 2024
AKLAN -- Isang 47-anyos na rider ang sugatan nang mabangga ng isang trak ang kinalululanan nitong motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Mina, Lezo sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jaime Concepcion, samantalang ang driver ng trak ay si Ellio Dela Cruz, 40, kapwa nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng trak na minamaneho ni Dela Cruz, kaya nabangga nito ang motorsiklo ng biktima.
Nabatid na nagkaroon ng sugat sa ulo, braso at katawan ang biktima at sa ngayon ay ginagamot na ito sa ospital.
Nahaharap si Dela Cruz sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property.
Comments