Rider, sugatan sa kotse
@Balitang Probinsiya | October 18, 2023
AKLAN -- Isang 19-anyos na rider ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng isang kotse ang kinalululanan nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kalibo sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Earl Cipriano, nakatira sa Bgy. Caano sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng kotseng minamaneho ng hindi pinangalanang driver kaya nabangga nito ang motorsiklo ng biktima.
Nabatid na nagkaroon ng sugat sa braso at katawan ang biktima at sa ngayon ay ginagamot na ito sa ospital.
Nahaharap ang driver ng kotse sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property.



Comments