top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Rider, sugatan sa karambola

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 9, 2024

AKLAN -- Isang rider ang sugatan sa naganap na karambola o banggaan ng tatlong motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Estancia, Kalibo sa lalawigang ito.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang pangalan ng rider na nasugatan sa aksidente.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng tatlong motorsiklo na minamaneho ng biktima at dalawa pang rider kaya silang nagkabanggaan sa nabanggit na barangay.


Nabatid na dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan na itong ginagamot, samantalang wala namang naging sugat ang dalawa pang rider.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung sino ang may pananagutan sa tatlong rider sa naganap na insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page