Rider, sugatan sa bangga ng pick-up
@Balitang Probinsiya | December 03, 2021
AKLAN—Sugatan ang isang rider nang aksidenteng mabangga ng pick-up ang kinalululanan niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Tigayon, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jonathan Victoriano, 33-anyos at nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng pick-up na minamaneho ni Ervie Bareng kaya aksidenteng nabangga ang motorsiklong minamaneho ng biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at kasalukuyan na itong ginagamot.
Nahaharap ngayon si Bareng sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property.



Comments