top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Rider sinalpok ng trike

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 7, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | March 7, 2023



AKLAN—Isang rider ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng isang tricycle ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Palale, Banga sa lalawigang ito.


Kinilala ng biktima na si John Remaldora, 21, nakatira sa Bgy. Cupang sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ng tricycle si Romeo Colas, nasa hustong gulang, kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.


Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at sa kasalukuyan ay ginagamot na ito, samantalang sinampahan na si Colas ng kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page