top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Rider sinalpok ng trak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 27, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | March 27, 2023


PALAWAN—Isang rider ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng isang trak ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. San Pedro, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Eduardo Cacal, 22, residente ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ng trak si Samuel Santillan, nasa hustong gulang, kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.


Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at sa kasalukuyan ay ginagamot na ito, samantalang sinampahan na si Santillan ng kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page