Rider, sinaksak ng kuya
@Balitang Probinsiya | December 10, 2023
AKLAN -- Isang 25-anyos na rider ang sugatan nang saksakin ng kanyang kuya kamakalawa sa Brgy. Bakhaw Norte, Kalibo sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng kanilang pamilya ay hindi na isinapubliko ng pulisya ang pangalan ng biktima at suspek, na kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, naingayan umano ang kuya sa pinaandar na motorsiklo ng biktima kaya nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid hanggang saksakin ng suspek sa katawan ang nakababatang kapatid.
Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital na kasalukuyang inoobserbahan.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong attempted parricide.



Comments