top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Rider, sinaksak ng kapwa rider

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 3, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 3, 2022

CAMARINES NORTE–Sugatan ang isang hindi kilalang rider nang saksakin ng kapwa niya rider kamakalawa sa Bgy. San Pedro, Sta. Elena.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima, samantalang pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na nakilala sa alyas na Kiko, nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nagkagitgitan sa kalsada ang minamanehong motorsiklo ng biktima at suspek kaya nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa.


Habang nagtatalo ay bigla umanong naglabas ng patalim ang suspek at agad sinaksak ang biktima.


Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek, samantalang dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page